Pope Francis, umapela na isaalang-alang ang mga kabataan ngayong Pasko

December 25, 2016 - 10:25 AM

Pope FrancisNgayong Pasko, hinimok ni Pope Francis ang lahat ng mga Kristyano na ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesu Kristo sa pamamagitan ng pagsa-alang-alang sa kasalukuyang kalagayan ng mga kabataan na nag-iisip kung paano makakaligtas mula sa kaguluhan, o kaya nama’y tumatakas sakay ng migrant boats, habang ang iba ay hindi na naipapanganak.

Umapela rin siya sa mga Katoliko na huwag magpadala sa “commercialization” ng Pasko.

Nagdaos ang Santo Papa ng Christmas Eve Mass sa St. Peter’s Basilica na dinagsa ng mga mananampalataya.

Sa kanyang homily, umapela si Pope Francis sa mga tao na mag-reflect kung papaano namumuhay ang mga kabataan, na sa halip na mahalin ng kani-kanilang mga magulang tulad ng pagmamahal kay Jesus, ay nagdurusa.

Kabilang aniya sa indignities ay ang pagtatago underground o sa ilalim ng lupa upang makaiwas na mabomba, at sumampa sa mga bangka kasama ang iba pang mga immigrant.

Noon pa ma’y hayagan si Pope Francis sa kanyang pagkondena sa karahasang dala ng mga terorista.

Hinamon din niya ang Europe na tanggapin ang refugees, habang nagpasaring sa mga mayayaman na may masamang pagtrato sa mga kabataan at mahihirap.

TAGS: pope francis christmas message, pope francis christmas message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.