Matatandaang inatake sa puso si Fisher habang sa eroplano noong Biyernes.
Inilabas na si Fisher sa emergency room at inilipat na sa ICU ng UCLA Medical Center.
Ayon kay Todd Fisher, naka-ventilator ang kanyang kapatid na nasa edad sisenta anyos.
Umapela naman si Todd sa publiko ng panalangin para kay Carrie.
Samantala sa isang statement, sinabi ni Harrison Ford na labis siyang nagulat at nalungkot sa nangyari kay Fisher.
Si Ford ay gumanap bilang Han Solo na ka-loveteam ni Princess Leia sa “Star Wars trilogy” at “The Force Awakens.”
MOST READ
LATEST STORIES