BJMP Director, nag-inspeksyon at binista ang Quezon City Jail Male Dormitory

By Kabie Aenlle December 25, 2016 - 09:04 AM

BJMP
Kuha ni Kabie Aenlle

Nagsagawa ng pagbisita at inspeksyon na rin si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Serafin Barretto Jr. sa Quezon City Jail Male Dormitory sa likod ng Kamuning Police Station 10.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang pinuno ng BJMP sa Quezon City Jail.

Ngayong araw ng Pasko, nakatakdang mag-ikot si Barretto sa iba’t ibang mga piitan, hanggang sa CALABARZON.

Layon ng inspeksyong ito na tiyakin ang mabuting kalagayan ng mga preso, pati na rin ang kaayusan sa mga piitan ngayong araw ng Pasko, lalo’t marami ang inaasahang mga dadalaw sa mga inmate.

Ani pa Barretto, nais rin nilang iparamdam sa mga preso na hindi hadlang ang pagkakapiit sa pagiging masaya at pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ayon kay community relations service chief and BJMP spokesperson S/Insp. Xavier Solda, umabot na sa 700 ang mga dalaw kagabi, pero inaasahang papalo ito sa isanlibo ngayong araw.

Alas siyete pa lang ng umaga ay nakapila na ang ilan sa mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa nasabing piitan, kahit na alas nuebe pa ang simula ng visiting hours.

Tiniyak naman ni Solda na kahit holiday at maraming inaasahang dadalaw ngayong araw, mahigpit pa rin ang kanilang ipapatupad na seguridad sa lahat ng mga maglalabas-pasok sa piitan.

Kabilang na nga dito ang pag-log in at log out gamit ang biometrics, at mahigpit na mga immediate family lang ang papayagang dumalaw.

Good news naman para sa mga preso, pinayagan ni Barretto na magkaroon ng kaunting extension mamayang gabi ang oras ng dalaw bilang regalo na rin sa kanila ngayong Pasko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.