Napanatili ng bagyong Nina ang lakas nito habang patuloy itong nagbabanta ng pananalasa sa Bicol region.
Sa latest weather bullettin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Nina sa 195 km East ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugso na 215 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang Kanlurang direksyon sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Signal Number 3 sa Catanduanes, Albay, Camarines Norte at Camarines Sur.
Signal Number 2 naman sa Quezon kabilang na ang Polillo Island, Marinduque, Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands, Sorsogon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Romblon at Northern Samar.
Samantala nakataas naman ang Signal Number 1 sa Metro Manila, Bataan, Nueva Ecija, Southern Nueva Vizcaya, Southern Quirino, Zambales, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite, Rizal, Aurora and Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island.
Sa tantya ng PAGASA, posibleng itaas na rin ang Signal number 1 sa Calamian Group of Islands sa susunod nilang severe weather bulletin.
Inaasahan rin ang storm surge na aabot sa 2.5 meters ang taas sa mga baybayin ng Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.
Mamayang hapon o gabi ay inaasahang maglalandfall ang bagyong Nina sa Catanduanes.