Luneta Park, dinagsa para sa selebrasyon ng Kapaskuhan
Aabot sa mahigit-kumulang 65,000 katao ang dumagsa sa Luneta Park upang salubungin ang pagsapit ng Kapaskuhan ngayong taon.
Saru-saring gimik ang isinagawa upang maging masaya ang buong parke.
May mga nadiwang kasama ang buong pamilya at may ilang idinaan sa negosyo ang pagdaraos ng Pasko.
Agaw-atensyon sa sama-samang selebrasyon ang mga naglalarong bata, grupo ng mga nagdedebate at ang kaabang-abang na dancing light fountain kung saan mistulang nagsasayaw ang ilaw kasabay ng galaw ng tubig.
Ayon kay Jayson Tamayo, Shift in charge ng Vigilant Investigative and Security Agency, mas kakaunti ang pumunta sa Rizal Park kumpara noong nakaraang taon bunsod ng Bagyong Nina.
Pagsisiguro naman ni Tamayo, magiging ligtas at maiiwasan ang aberya bunsod ng 36 security patrollers na nakakalat sa parke.
Maliban dito, may mga nakaantabay ring ambulansya at security patrol mobile upang mag-ikot sa bisinidad ng naturang lugar.
Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng kriminalidad maliban sa pitong batang nawala sa lugar na may edad isa hanggang limang taong gulang.
Samantala, sisimulan ang clearing operations sa parke mamayang alas kwatro nang umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.