Duterte, nagbigay ng mga regalo sa mga batang may cancer

duterte amlacBilang selebrasyon ng bisperas ng Pasko, nagpaligaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataan sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Naghandog ng ilang regalo ang pangulo sa mga pasyenteng may sakit na kanser na naka-confine aa naturang ospital.

Isa-isang inikot ni Duterte ang mga pasyente at kinausap kasama ang mga pamilya nito.

Maliban sa pagrotonda sa mga pasyente, nagbigay rin ng pirma sa mga nurse at staff ang pangulo, maging sa mga regalong iniabot nito sa mga bata.

Read more...