Mga pasaherong stranded sa mga pantalan, nadagdagan pa
Lalo pang nadagdagan ang mga nastranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan.
Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard, aabot sa, 6200 na pasahero mula sa Bicol at Eastern Samar ang hindi makabiyahe dulot ng Bagyong Nina.
Sa Bicol region, mahigit 4,703 na pasahero, 533 rolling cargoes, 17 vessels at tatlong motorbanca ang naantala ang biyahe.
Habang umakyat naman sa 1.495 na pasahero, 190 vessels at apat na vessesls ang apektado sa Silangang bahagi ng Samar.
Dahil dito, majigpit na ipinatutupad ng PCG ang HPCG Memorandum Circular number 02-13 o batayan ng galaw ng mga sasakyang-pandagat sa panahon ng kalamidad.
Samantala, ipinatigil na ang pagbiyahe ng anumang sasakyang-pandagat sa Batangas Port kaninang alas otso ng gabi bunsod pa rin ng namamataang sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.