Jimmy Bondoc, pinagtanggol ang ama ng kanyang kaibigan

By Rod Lagusad December 25, 2016 - 05:12 AM

jimmy bondocIpinagtanggol ni Jimmy Bondoc sa pamamagitan ng social media ang pamilya ng kanyang kaibigan kung saan ama nito ay pinatay ng motorcycle riding in tandem noong nakaraang Huwebes dahil bayon sa report ng mga pulis ay isa itong  drug-related incident.

Ayon Kay Bondoc, ang pagkamatay ni Eleazar Sarvida, ang ama ng band singer na si TJ Sarvida ay walang kinalaman sa ilegal na droga.

Dagdag pa ni Bondoc, binarily ang nakakatandang Sarvida ng hindi pa nakikilalang criminal na kung saan papatakas sa isang police operation matapos hindi ito payagang pumasok sa kanilang bahay upang magtago.

Taliwas ito sa sinabi ng Mandaluyong police na si Sarvida ay nasa watchlist ng police intelligence unit ng siyudad at ayon sa nakuha nilang impormasyon mula sa barangay na ang asawa rin nito ay sangkot sa ilegal na droga.

Binaril sa mukha si Sarvida ng isa sa dalawang gunmen sa harap ng kanilang gate, ilang minuto bago ang di umanoy drug courier ay napatay.

TAGS: drug-related incident, ilegal na droga, Jimmy Bondoc, Mandaluyong police, drug-related incident, ilegal na droga, Jimmy Bondoc, Mandaluyong police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.