Bicol tinutumbok ng bagyong Nina, Metro Manila signal no. 1 na
Tinutumbok ngayon ng bagyong Nina ang Bicol region base sa pinakahuling advisory na inilabas ng Pagasa kanilang alas-otso ng gabi.
Napanatili ng bagyo ang kanyang lakas na 175 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 215 kph.
Ang bagyong si Nina ay huling namataan sa layong 355 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes at tinatawak ang direksyong West Northwest sa bilis na 15 kph.
Nasa ilalim ng signal number 1 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon including Polillo Island, Camarines Norte, Aurora, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island at Oriental Mindoro.
Kasama rin sa listahan ang mga lalawigan ng Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island.
Itinaas naman sa signal number 2 sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Masbate kasama ang Ticao at Burias Island, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar.
Sinabi ng Pagasa na kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, mamayang alas-onse ng gabi ay posibleng isailalim na rin sa signal number 1 ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Zambales at Nueva Ecija.
Bukas ng tanghali o hapon ay inaasahang magla-landfall ang bagyong Nina sa bayan ng Virac, Catanduanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.