Duterte pinatamaan ni Robredo sa kanyang Christmas message

By Alvin Barcelona December 24, 2016 - 05:20 PM

Robredo xmasIsang araw bago magpasko, muling binanatan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Robredo na sa panahon na dapat nagdiriwang ang bansa pero nalulungkot aniya siya na may nakalutang na pangamba ang sambayanan.

May mga survey kasi kamakailan na nagsasabing may nararamdamang takot at pag-aalala ang kapwa niya mga Pinoy sa umiiral na mga extra judicial killings sa bansa.

Sa kabila nito, naniniwala ang pangalawang pangulo na kaya ng bawat Filipino na hawiin ang kadiliman at magdala ng ligaya sa bayan.

Sa ganitong paraan aniya, ang ningning ng dekorasyon at mga ilaw sa kapaligiran ay kikinang din sa mga puso ng mga mamamayan ngayong Pasko.

TAGS: christmas message, duterte, Robredo, christmas message, duterte, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.