Grab at Uber kinastigo ng LTFRB dahil sa mahal na pamasahe

By Alvin Barcelona December 24, 2016 - 03:55 PM

uber-grabcar-1204-660x371Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Transportation Network Vehicle Services (TNVS) na nagsasamantala ngayong Kapaskuhan .

Ginawa ito ni LTFRB Chairman Martin Delgra sa harap ng mga report ng pagsasamantala ng mga Grab at Uber drivers sa mga pasahero nito.

Nauna rito, inutusan ni Transportation Sec. Art Tugade si Delgra na huwag hayaan ang mga abusadong mga TNVS na sirain ang Pasko ng mga Pinoy.

Ipinaalala ni Delgra na may karapatan silang kanselahin ang accreditation ng grab at uber kung mapapatunayan ang hindi makatuwiran nitong paniningil sa kanilang mga pasahero.

Batay sa mga natatanggap na report ng LTFRB sobra ang surge o dagdag na patong ng Grab at Uber sa kanilang mga pasahero tuwing rush hours o sa mga matrapik na lugar.

Kaugnay nito, hinihikayat ng LTRB ang mga pasahero na isumbong ang mga katulad na pang aabuso sa kanilang 24/7 hotline na 1342,  pwede ring i-text o i-viber sa 0917 5501342 o i-email sa complaint.ltfrb.gov.ph.gmail.com.

TAGS: brabm ltfrb, delgra, Uber, brabm ltfrb, delgra, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.