Wish ni Duterte: Kaayusan at katahimikan ng bansa ngayong Pasko

By Den Macaranas December 24, 2016 - 01:21 PM

Duterte christmas 16
RTVM

Tumagal lamang ng 45 segundo ang Christmas at New Year message ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng pangulo na hangad niya sa panahon ng kapaskuhan ang kaayusan, katahimikan at kaunlaran ng bansa.

Para sa papasok na taong 2017, sinabi ni Duterte na hangad niya ang ibayo pang pag-unlad ng kabuhayan ng bawat Filipino.

Ang pangulo ay kasalukuyang nasa Davao City para doon salubungin ang Pasko kasama ang kanyang mga kaanak.

Naging tradisyon na rin daw ni Duterte na buksan sa publiko ang kanyang tahanan tuwing bisperas ng Pasko pero ito’y maiiba na ngayon dahil sa seguridad na ipatutupad ng Presidential Security Group (PSG).

TAGS: 2016, Christmas, duterte, 2016, Christmas, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.