Bagyong Nina lalo pang lumakas at lumawak ang sakop
Bahagyang lumakas pero bumagal ang bagyong Nina na huling namataan sa layong 480 kilometers Silangan ng VIrac, Catanduanes kaninang alas-diyes ng umaga.
Sinabi ng Pagasa na hindi magbabago ang posisyon ni Nina ay inaasahan ang landfall sa bayan ng Virac bukas ng hapon o kaya ay gabi.
Ang bagyong Nina ay may lakas na 150 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 180 kph kung saan ay lumaki pa ang kanyang sakop sa 400 kilometers in diameter.
Magabal na tinatahan ni Nina ang West Northwest sa bilis na 15 kilomenters per hour.
Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Northern Quezon, Southern Quezon, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Island, Northern Samar, Samar at Eastern Samar.
Inaasahan rin na bukas ay mapapasama ang Metro Manila sa mga lugar na nasa typhoon signal number 1 samantalang posibleng namang itaas ang sa signal number 2 ang ilang mga lugar sa Bicol region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.