Erap mananatili pa rin sa loob ng ospital

By Den Macaranas December 24, 2016 - 09:24 AM

Joseph-estrada
Inquirer file photo

Posibleng magpapasko sa loob ng ospital si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Si Estrada ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City dahil sa pneumonia.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito na mahigpit ang bilin ng mga duktor ni “Erap” na manatili muna siya sa pagamutan para maka-iwas sa impeksyon.

Si Estrada ay dumanas ng lung infection kaya pinagbawalan din siyang manigarilyo ng kanyang mga duktor.

Sinabi naman ng media relations staff ni Estrada na si Bambi Purisima na stable ang lagay ng dating pangulo bagaman marami ang ipinagbabawal sa kanyang gawin ng mga duktor.

Sa pahayag ng Malacañang ay nagparating sila ng mensahe ng maagang paggaling para sa dating lider ng bansa.

TAGS: Erap, manila, Mayor, pneumonia, Erap, manila, Mayor, pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.