Mula sa pagiging “Severe Tropical Storm,” tuluyan nang pasok sa “Typhoon” category ang bagyong “Nina” matapos itong lumakas.
Base sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Nina sa 475 kilometers ng Easr Northeast ng Guiuan, Eastern Samar.
May taglay na itong hangin na may lakas na aabot sa 135 kilometers per hour, at pagbugso na 165 kilometers per hour.
Bagaman lumakas, bumagal naman ang kilos nito sa 17 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.
Nadagdagan naman ang mga lalawigan na isinailalim sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1.
Nakataas na ang Signal No. 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate pati na ang Ticao at Burias Islands, Northern Samar at Eastern Samar.
Bukas, December 25 ng hapon o gabi inaasahang magla-landfall ang bagyong Nina sa Catanduanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.