Operasyon ng LRT-1, mas maiksi ngayong holidays

By Kabie Aenlle December 24, 2016 - 05:24 AM

lrt 30Inilabas na ng pamunuan ng LRT-1 ang kanilang magiging operating hours sa kasagsagan ng mga holidays.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ngayong December 24, sa December 25, 31 at January 1, aalis ng alas-5:00 ng umaga ang unang trips ng Baclaran-Roosevelt line.

Ang last trip naman mamaya ay alas-8:00 ng gabi lamang, habang ang last trip bukas, December 25, mula sa Baclaran ay aalis ng alas-9:30 ng gabi at alas-9:50 naman ang mula sa Roosevelt.

Pagdating ng December 31, ang last trip ay alas-7:00 ng gabi, habang ang last trip naman mula Baclaran sa January 1 ay alas-9:30 ng gabi at 9:50 rin ng gabi mula sa Roosevelt.

Balik naman sa regular na schedule ang LRT para sa mga araw na walang holidays.

Matatandaang mula December 3 hanggang 23 ay nag-extend ng oras ng oeprasyon ang LRT-1 para bigyang daan ang dami ng pasaherong inaasahan ngayong Christmas rush.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.