Berlin terror suspect, napatay sa shootout sa Milan

By Rod Lagusad December 23, 2016 - 08:12 PM

Photo Credit: https://travelaway.me/
Photo Credit: https://travelaway.me/

Napatay na ang Berlin Christmas market attack suspect na si Anis Amri sa isang shootout na naganap sa Sesto San Giovanni malapit lang sa Milan bandang 3 am oras sa Italy ayon sa Italian state police.

Nangyari ang insidente ng tanungin si Amri para sa kanyang papeles pero bumunot ito ng kalibre .22 na baril mula sa kanyang backpack at namaril.

Nakipagpalitan ng putok ang driver ng isang police car sa suspek hanggang sa napatay ito.

Ayon kay Italian Interior Minister Marco Minniti, walang duda na si Amri ang Berlin terror suspect ang napatay.

Dagdag pa ni Minnti na nakipag-ugnayan ang mga Itallian offcials sa mga German authorities kaugnay ng naganap na shooting.

Pinasalamatan naman ng Interior Minister ang naging pag-aksyon ng Italian police forces.

Kaugnay nito, sinabi ni Minnti na hindi na sila magbibigay pa ng iba pang detalye sa naging operasyon dahil sa nagaganap na imbestigasyon.

Isang pulis naman ang nasugatan dahil sa naturang insidente na nakilala na si Cristian Morio na nagpapagaling na sa ospital habang ang isa pang police agent na si Luca Scata ay hindi naman nasaktan.

Matatandaang labindalawang katao ang namatay at marami ang nasugatan matapos silang araruhin ng suspek habang namiimili noong Lunes.

 

TAGS: Berlin Christmas Market attack, suspect on Berlin attack, Berlin Christmas Market attack, suspect on Berlin attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.