Panibagong rollback sa presyo ng langis, ipapatupad bukas, araw ng Martes

August 10, 2015 - 07:34 AM

gas-pumpMagpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, bukas, August 11, 2015 araw ng Martes.

Ayon kay Department of Energy officer-in-charge Zenaida Monsada ito na ang magiging ika-pitong sunod na linggo na magkakaroon ng rollback sa presyo ng langis.

Sa pagtaya, inaasahang maglalaro sa P0.40/L hanggang P0.60/L ang itatapyas sa gasolina, P0.35/L hanggang P0.40/L sa presyo ng Diesel at P.90/L hanggang P1.00/L sa presyo ng kerosene.

Ayon kay Monsada, simula noong buwan ng Hulyo, nasa P4.40 na ang kabuuang presyo na naikaltas sa diesel at P3.55 naman sa gasolina.

Paliwanag ni Monsada, bumababa ang presyo ng langis sa world market dahil mas mataas ang suplay kumpara sa demand. Ayon pa kay Monsada, hindi na gaanong malaki inaangkat na langis ng America na siyang pinakamalaking konsyumer ng langis sa mundo, dahil unti-unti nang dumarami ang small-time producers ng langis sa Estados Unidos./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: oil price rillback, oil price rillback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.