Sa 5 PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 700 kilometer east ng Borongan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers kada oras. Bahagya itong bumagal at kumikilos na lamang sa 20 kilometers kada oras sa direksyong west north west.
Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa lalawigan ng C atanduanes, Sorsogon, Northern Samar at Eastern Samar.
Nangangahulugan ito na sa susunod na 36 na oras ay makararanas na ng pag-ulan sa nasabing mga lalawigan. Inaasahang lalakas pa at aabot sa Typhoon category ang bagyo bago ito tumama sa Bicol Region sa Linggo ng gabi.
Magsisimula ding maging masungit ang panahon sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Marinduque, Mindoro provinces at Northern Samar sa Linggo at Lunes.
Sa December 28 pa, araw ng Miyerkules inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.