Bilyong pisong halaga ng shabu at mga sangkap at gamit sa paggawa nito, nasabat sa San Juan

By Alvin Barcelona, Jan Escosio December 23, 2016 - 05:04 PM

Kuha ni jomar Piquero
Kuha ni jomar Piquero

(UPDATE) Aaabot sa isangdaang malalaking bag na naglalaman ng kilo-kilong mga shabu bawat isa ang nasabat sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay sa San Juan City.

Kuha ni jomar Piquero
Kuha ni jomar Piquero

Isinagawa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang raid sa bahagi ng Mangga Street sa Little Baguio, San Juan.

Nang mapasok ng mga otoridad ang target na bahay, tumambad sa kanila ang naglalakihang mga bag na ang laman ay tinatayang nasa tig-sa-sampung kilo ng shabu bawat isa.

Isang kwarto din sa loob ng sinalakay na bahay ang nakitang punung-puno ng mga gamit at sangkap sa paggawa ng shabu.

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Maliban sa mga shabu na nakita sa loob ng bahay, anim na bags pa na naglalaman din ng shabu ang naduskubre sa isang kotse.

Patuloy pa ang ginagawang imbentaryo sa mga nasabat na shabu kaya hindi pa matukoy ng NBI ang eksaktong dami ng mga ito.

Samantala, tatlong Chinese nationals at tatlo pang Pinoy ang hawak ngayon ng NBI matapos madatnan sa nasabing bahay.

TAGS: drugs, NBI raid, San Juan City, shabu, drugs, NBI raid, San Juan City, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.