Magkapatid na maglulunsad umano ng pag-atake sa malaking mall sa Germany sa Pasko, arestado sa Berlin

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 03:58 PM

Berlin GermanyArestado ang magkapatid na nagpa-plano umanong maglunsad ng pag-atake sa malaking shopping center sa Germany sa mismong araw ng Pasko.

Ang magkapatid na edad 28 at 31 ay mula sa Kosovo na nahuli matapos makatanggap ng tip ang mga pulis na maglulunsad sila ng pag-atake sa CentrO na isa sa pinakamalaking mall sa Germany.

Mula noong Lunes, naghigpit na ng seguridad sa Berlin, at nagpakalat ng mga tauhan ng intelligence service para maaresto ang isang Tunisian na nasa likod ng pag-araro ng truck sa mga namimili sa Christmas market, kung saan, labigndalawa ang nasawi.

Kanina, limang katao ang inaresto na pawang nagpaplano naman umano ng terror attack sa Melbourne, Australia sa mismong araw ng Pasko.

Ayon kay Victoria Police chief commissioner Graham Ashton, ang limang dinakip ay plano sanang gumamit ng pampasabog at mga armas sa gagawin nilang pag-atake.

Kabilang sa tinatarget umano ng mga suspek ang mga matataong lugar sa lungsod gaya ng Flinders St. Station, Federation Square at St Paul’s Cathedral.

 

 

TAGS: Berlin Germany, CentrO Mall, shopping center, Berlin Germany, CentrO Mall, shopping center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.