27 brand new elavators sa MRT stations, magagamit na ng mga pasahero

By Jan Escosio December 23, 2016 - 03:22 PM

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Mapapakinabangan na ng mga pasahero ang 27 bagong mga elevators ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ang mga bagong install na cable elevators ay mayroong permanent magnet, ‘di gaya ng mga lumang hydraulic elevator models na nagkasira at matagal na hindi nagamit.

Ayon kay MRT-3 General Manager Deo Manalo, ang mga elevator na sasailalim sa pag-mentena ng Powerlift Corporation ay inaasahang makapagpapagaan sa sitwasyon ng mga pasahero lalo na ng mga senior citizens, buntis, at persons with disability.

Maliban sa 27 bagong elevators na mapapakinabangan na, mayroon lang 5 iba pa na nakatakda na ring magamit sa North Avenue, Ortigas, Buendia, at Ayala stations.

Sa January 2017 inaasahang makukumpleto ang installation ng lahat ng elevator.

Habang patuloy naman ang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa mga escalators sa bawat train station na posibleng makumpleto naman sa February 2017.

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, newly-installed elevators, dotr, MRT, newly-installed elevators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.