DOH nakapagtala na ng anim na fireworks related injuries; isa dito nakalulon ng bahagi ng Luces

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 01:34 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Umakyat sa anim ang bilang ng mga naitalang fireworks related injuries ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, kaninang alas sais ng umaga, umabot na sa anima ng bilang ng fireworks related injuries, lima dito ay nasugatan sa paputok at isa namana ng insidente ng fireworks ingestion.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, sa NCR nakapagtala ng tatlong kaso, isa sa Region 1 at isa sa Region 6, habang sa Region 4-A may isang nakalulon ng bahagi ng Luces.

Nagsimulang magbilang ng mga nasusugatan sa paputok ang DOH noong madaling araw ng December 20.

Araw-araw ay magbibigay ng update ang DOH sa bilang ng mga naitatalang fireworks related injuries hanggang sa matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.

 

 

TAGS: doh, firecrackers related incidents, doh, firecrackers related incidents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.