Suspension ng number coding ngayong araw at sa December 29, hindi iiral sa Makati City

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Hindi metrowide ang suspensyon ng pag-iral ng number coding ngayong araw at sa December 29 na parehong araw ng Biyernes.

Sa abiso ng Makati Traffic, patuloy ang pagpapatupad ng number coding sa lungsod ngayon at sa December 29 sa kabila ng suspensyon ng coding sa Metro Manila base sa naunang anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Atty. Michael Camiña, city Legal Officer at tagapagsalita ng Makati City, parehong regular working days ang dalawang nabanggit na petsa kaya hindi lifted ang number coding sa lungsod.

Aniya, umaabot sa apat na milyon ang populasyon sa Makati sa kasagsagan ng oras ng trabaho kaya malaki ang magiging epekto sa daloy ng traffic kung sususpindihin nila ang coding kahit hindi holiday.

Samantala, para naman sa mga petsa na deklaradong holidays, o sa December 26 (Lunes,) December 30 (Biyernes) at January 2 (Lunes) ay suspindihin na ang number coding sa Makati City.

 

Read more...