Manila Mayor Joseph Estrada, nasa ospital dahil sa sakit na pneumonia

By Erwin Aguilon December 23, 2016 - 10:19 AM

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Naka-confine ngayon sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Senador JV Ejercito, noong Miyerkules pa ng gabi nasa ospital ang kanyang ama dahil sa sakit na pneumonia.

Nahirapan aniyang huminga at namutla ang dating pangulo kaya dinala sa ospital.

Sa pagsusuri ng mga duktor lumabas aniya na nagkaroon ang dating pangulo ng bahagyang impeksyon sa baga.

Sa ngayon, ayon sa senador ay bumubuti na ang lagay nito gayunman ayaw pa itong pauwiin ng kanyang mga mangaggamot.

Mahigpit pa rin naman anyang minomonitor ng mga duktor si Mayor Erao at naniniwala si Ejercito na posibleng over fatigue ng dahilan ng pagkakasakit ng ama.

 

TAGS: Cardinal Santos Medical Center, mayor erap estrada, Cardinal Santos Medical Center, mayor erap estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.