Mahigit kalahating milyong food packs, inihanda ng DSWD para sa mga maapektuhan ng bagyong Nina

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 09:38 AM

From DSWD
From DSWD

Naghanda na ng food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maipamahagi sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Nina.

Ito ay kung sakaling may mga pamilyang ma-stranded sa kanilang mga bahay o di kaya ay ilikas sa mga evacuation center kapag nagsimula nang manalasa ang bagyo.

Ayon sa DSWD, sa kasalukuyan, mayroon nang naka-standby na 562,976 food packs.

Habang may standby funds naman ang DSWD na aabot sa mahgit P125 million ang halaga.

Naghanda rin ng non-food items ang DSWD gaya ng mga damit, kumot, at iba pang pangangailangan ng mga posibleng ilikas.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang bagyong Nina ay maaring tumama sa kalupaan ng Bicol sa mismong araw ng Pasko.

 

TAGS: dswd, preparation for Nina, Tropical Storm Nina, weather, dswd, preparation for Nina, Tropical Storm Nina, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.