Terror attack sa Melbourne sa mismong araw ng Pasko, napigilan ng mga otoridad; 5 katao ang inaresto

December 23, 2016 - 08:14 AM

Melbourne AustraliaLimang katao ang inaresto na pawang nagpaplano umano ng terror attack sa Melbourne, Australia sa mismong araw ng Pasko.

Ayon kay Victoria Police chief commissioner Graham Ashton, ang limang dinakip ay plano sanang gumamit ng pampasabog at mga armas sa gagawin nilang pag-atake.

Kabilang sa tinatarget umano ng mga suspek ang mga matataong lugar sa lungsod gaya ng Flinders St. Station, Federation Square at St Paul’s Cathedral.

Dahil sa pagkakadakip sa mga suspek, sinabi ni Ashton na wala nang banta ngayon sa publiko.

Apat sa limang naarestong suspek ay pawang Australian-born na nasa mga edad bente na pawang mayroong Lebanese background, habang ang isa pa ay isang Australian na Egyptian origin.

Sila umano ay pawang “self-radicalised” pero sinusubaybayan ng mga ito ang propaganda ng Islamic State.

 

 

TAGS: Christmas terror attack in Australia, Melbourne Australia, terror attack foiled, Christmas terror attack in Australia, Melbourne Australia, terror attack foiled

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.