Bagyong Nina, lalakas pa at posibleng maging Typhoon; malalakas na hangin at pag-ulan mararanasan sa Metro Manila mula Lunes ng gabi

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 06:44 AM

Posibleng lumakas pa at umabot sa typhoon category ang severe tropical storm Nina.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Obet Badrina na ngayong araw hanggang bukas ng umaga maaring magtaas na sila ng Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga bibiyahe pauwi sa Bicol at sa Samar area na mag-antabay sa abiso ng weather bureau dahil sa sandaling magtaas na ng public storm warning signal ay kakanselahin na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga apektadong lugar.

Bago tuluyang tumama sa kalupaan ng Bicol Region sa mismong araw ng Pasko ay maaring lumakas pa ang bagyong Nina.

Gayunman, ayon kay Badrina, matapos ang pag-landfall nito ay bahagya naman itong hihina.

Ngayong maghapon, ayon kay Badrina ay wala pang direktang epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa at magiging maaliwalas pa ang panahon kasama na ang Metro Manila.

Pero bukas, December 24, makararanas na rin ng bahagyang pag-ulan sa Metro Manila at ang malakas na hangin na may katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ay mararanasan sa NCR at mga kalapit na lalawigan mula December 26 ng gabi hanggang December 27.

Payo ng PAGASA sa publiko, maliban sa ginagawang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko ay mabuting paghandaan din ang bagyo.

 

TAGS: Philippine weather, Tropical Storm Nina, weather update, Philippine weather, Tropical Storm Nina, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.