Lumakas pa ang bagyo at isa na ngayong severe tropical storm.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 960 kilometer east ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 25 kilometers kada oras.
Sa mismong araw ng Pasko, inaasahang tatama sa kalupaan ng Bicol ang nasabing bagyo.
Sa araw din ng pasko ay magdudulot ito ng pag-ulan sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES