Binabantayang bagyo ng PAGASA, lumakas pa at nakapasok na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2016 - 06:13 AM

Ganap nang nakapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Nock-Ten at pinangalanang Nina.

Lumakas pa ang bagyo at isa na ngayong severe tropical storm.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 960 kilometer east ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 25 kilometers kada oras.

Sa mismong araw ng Pasko, inaasahang tatama sa kalupaan ng Bicol ang nasabing bagyo.

Sa araw din ng pasko ay magdudulot ito ng pag-ulan sa Metro Manila.

 

TAGS: Philippine weather, Tropical Storm Nina, Tropical Storm Nock Ten, Philippine weather, Tropical Storm Nina, Tropical Storm Nock Ten

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.