Sa Facebook page ng provincial government ng Cavite, ipinaalam nila sa publiko na paiiralin na nila sa ilang lugar ang Unified Vehicular Reduction System o mas kilala sa Number Coding Scheme.
Gayunman, wala pang eksaktong petsa kung kailan ito sisimulan.
Sa ilalim ng provincial ordinance, ang mga pribadong sasakyan, vans, at trucks na may plakang 1 at 2 ay hindi maaring dumaan sa mga pangunahing kalsada ng lalawigan tuwing Lunes, 3 and 4 naman tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 kapag Huwebes, at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Hindi makakadaan ang mga motorista sa mga nasabing panahon sa Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, Molino-Salawag-Paliparan Road, Molino Bouelvard, at Daang Hari Road mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.
Magiging exempted naman sa ordinansa ang mga public utility vehicles, school buses, emergency at government vehicles.
Papatawan ng P300.00 na multa ang mga lalabang sa ordinansa.