Opsyon sa pagdedeklara ng martial law, dapat sa presidente na lang-Duterte

By Kabie Aenlle December 23, 2016 - 04:41 AM

 

Inquirer file photo

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang mga probisyon sa pagdedeklara ng martial law.

Nakasaad kasi ngayon sa 1987 Constitution na kailangan munang dumaan sa Kongreso at Korte Suprema ang pagdedeklara ng martial law.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay maging prerogative na lang ng pangulo ang pagdedeklara ng martial law, dahil magiging problema pa kung magkaiba ang opinyon o pananaw ng Kongreso at Korte Suprema.

Giit pa ng pangulo, hindi na dapat pa binago ang probisyon sa kapangyarihan ng pangulo sa pagdedeklara ng martial law na nakasaad noon sa 1935 Constitution.

Dahil lang kasi aniya sa nangyari noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, inalisan na ang pangulo ng solong kapangyarihan sa pagdedeklara ng martial law.

Aniya pa, wala namang kinalaman noon si Marcos sa pagbibigay ng ganitong kapangyarihan sa pangulo dahil hindi naman siya kasama sa mga bumuo nito.

Samantala, bukod sa mga probisyon ng martial law, nais rin paamyendahan ni Duterte ang three-term limits para sa mga lokal na opisyal na nakasaad sa 1987 Constitution.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.