Sen. JV Ejercito inabswelto ng Sandiganbayan sa graft charges

By Alvin Barcelona December 22, 2016 - 07:53 PM

JV ejercito
Inquirer file photo

Ibinasura ng Sandiganbayan 5th Division ang kinakaharap na kasong katiwalian ni Sen. Joseph Victor Ejercito.

Patungkol ang kaso sa pagbili noong 2008 ni Ejercito noong siya pa ang mayor ng San Juan City ng tatlong K2 Cal. 5.56mm sub-machine gun at 17 Daewoo model K1 Cal. 5.56 mm sub-machine gun na nagkakahalaga ng P2.1 Million gamit ang calamity fund ng lungsod.

Bahagi ng 45-pahinang desisyon ang pagkansela sa 90-day suspension order at hold departure order na unang ipinalabas ng anti-graft court laban kay Ejercito.

Kasama ni Ejercito na inabswelto ng hukuman ang mga kapwa nito akusado na sina Ranulfo Dacalos, Rosalinda Marasigan, Romualdo delos Santos, Lorenza Ching at Danilo Mercado.

Una nang naghain si Ejercito ng demurrer to evidence sa paniniwalang hindi sapat ang mga ebidensya ng prosekusyon para patunayan na pinaboran niya ang supplier ng binili nitong baril.

Para sa sandiganbayan, hindi ito napatunayan ng prosekusyon.

Bukod dito, hindi rin napatunayan na  overpriced ang mga biniling baril dahil halos kapareho nito ang presyo ng iba pang bidder.

TAGS: JV Ejercito, Mayor, san Juan, sandiganbayan, JV Ejercito, Mayor, san Juan, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.