Bangko Sentral ng Pilipinas, nagbabala sa kumakalat na pekeng pera ngayong holiday season
Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko laban sa pekeng pera na inaasahang kakalat ngayong Christmas season.
Ayon sa BSP, sa bawat isang milyong authentic na paper bills na nasa sirkulasyon, labing isa dito ang peke.
Pero iginiit naman ng BSP na hindi sapat ang kakalat na pekeng pera para magkaroon ng epekto sa ekonomiya ng bansa.
Babala ng central bank sa publiko, ugaliing busisiin ang features ng paper bills tulad ng watermark, serial number na dapat hindi magkakapareho ang sukat, at nararapat din na mayroon itong security thread.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan na ang BSP sa Kongreso para pag-aralan ang pagpapataw ng mabigat na multa sa mga sindikatong mahuhuling nag-iimprenta at nagpapakalat ng pekeng pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.