Maydolong, Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Maydolong Eastern Samar
Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Maydolong sa Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig kaninang 11:02 ng umaga sa 17 kilometers West ng Maydolong.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 45 kilometers.

Wala naman naitalang Intensity sa nasabing pagyanig at wala rin inaasahang pinsalang idudulot.

Pero sinabi ng Phivolcs na asahan na ang aftershocks dahil sa nasabing lindol.

Read more...