Pangalawang kaso ng human bird flu, naitala sa China

By Mariel Cruz December 22, 2016 - 11:52 AM

China Bird Flu
AFP PHOTO /FILES/ Philippe Lopez

Naitala ang pangalawang kaso ng human bird flu infection sa China.

Ito ay sa kabila ng pakikipaglaban ng South Korea at Japan sa pagpuksa sa nakamamatay na virus,

Dahil dito, pinahihinto na ang pagbebenta ng manok sa Siming district sa Xiamen City.

Hindi naman pinangalanan ang lalaking pasyente na nasuring mayroong H7N9 avian flu pero nabatid na ang edad nito ay apatnapu’t apat na taong gulang.

Sa ngayon ay ginagamot na ang naturang pasyente sa isang ospital at stable naman ang kondisyon nito.

Naitala ang unang kaso ng human bird flu sa Hong Kong kung saan isang matandang lalaki ang tinamaan nito.

Bago pa maitala ang kaso, ipinag-utos na ng South Korea at Japan ang pagpatay sa milyon-milyong para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Matatandaang naitala ang kauna-unahang kaso ng human bird flu sa China noong March 2013.

TAGS: Human bird flu, Human bird flu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.