Nakararaming Pilipino ang umaasang magiging masaya ang kanilang Pasko ngayong taon.
Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, pito sa bawat sampung Pilipino o 73% ang tiwala na magkakaroon sila ng “happy Christmas” habang nasa 5% naman ang nagsabing magiging “sad” ang kanilang Pasko at nasa 21% ay naniniwalang sakto lang ang kanilang selebrasyon.
Sa Fourth Quarter survey ng SWS, tatlo naman sa apat o 75% ng Filipino adults ang nagsabing “better to give” at 21% ang naniniwala na “better to receive.”
Bahagyang tumaas ang bilang ng mga umaasa sa masayang Pasko ngayong taon kumpara noong taong 2015 na umabot ng 72 % at 71 % noong 2014.
Ang 73 % naman ay ikatlo sa pinaka-mataas mula noong 2002 nang simulant ng SWS ang kanilang survey kaugnay ng expectations ng mga Pilipino.