Bus terminals sa Cubao, dinagsa ng mga pasaherong magdiriwang ng Pasko sa probinsya

Araneta Bus Terminal
Kuha ni Wilmor Abejero

Tatlong araw bago ang Pasko, dumoble ang dumadagsa sa mga bus terminals na mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Madaling araw pa lamang ay umaapaw na ang mga pasaherong naghihintay ng masasakyan sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Dahil dito, mabigat na ang daloy ng trapiko sa mga kalsada na patungo sa nasabing bus terminal.

Nagpakalat na din ng mga pulis sa paligid ng Araneta Center Bus Terminal para sa seguridad ng mga pasahero.

Nagsimulang dumagsa ang mga pasahero sa bus terminal noong December 18 at inaasahang mas dodoble pa ang dami nito ngayong araw hanggang Biyernes.

Pero inaasahang bababa ang bilang ng mga pasahero sa Sabado, December 24.

Read more...