3 bata, sugatan sa pagsabog ng granada sa kampo ng militar sa Abra
Sugatan ang tatlong bata matapos sumabog ang isang granada sa loob ng isang military camp sa bayan ng Lagangilang sa Abra.
Ayon kay Lt. Col. Thomas Dominic Baluga, commanding officer ng 24th Infantry Battalion ng Philippine Army, nagtungo sa firing range ng kampo ang tatlong bata at napaglaruan ang sumabog na granada.
Habang naglalaro aniya sa loob ng nasabing firing range, nakita ng mga bata ang granada at pinulot ito.
Naganap ang pagsabog matapos ihagis at mabagsak sa lupa ang granada na pinaglaruan ng tatlong biktima.
Agad naman isinugod sa pinakamalapit na ospital ang sugatang mga bata kung saan sinagot naman ng Philippine Army ang gastusin.
Nabatid na dalawa sa mga biktima ay anak ng sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.