Magkakaroon ng reshuffle sa Comelec bago ang 2016 Elections

August 09, 2015 - 08:31 PM

 

comelec logoPlano ng Commission on Elections o Comelec na magpatupad ng ‘reshuffle’ sa hanay ng mga opisyal nito bilang preparasyon sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang sa mga posibleng ma-reshuffle ay mga Regional Election Directors (RED), Provincial Election Supervisors (PES) at City/Municipal Election Officers (EO).

Maaaring gawin aniya ang reshuffle bago magtapos ang taong 2015.

Paliwanag ni Jimenez, ang reshuffle ay bahagi ng standard na paghahanda ng Comelec para sa halalan.

Nilinaw naman ni Jimenez na magkakaroon muna ng evaluation kung kailangan ng reshuffle at dedepende pa rin ito sa Comelec En Banc upang maiwasan ang koneksyon ng mga poll body employees sa mga kandidato sa halalan.

Batay sa Comelec Employees Union, may labing anim ang RED’s, 80 PES’s at mga ES at mahigit 1,500 mga E-Os sa buong bansa./ Isa Avendaño-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.