OFW bank, itatayo ng gobyerno

By Kabie Aenlle December 22, 2016 - 04:25 AM

 

OFW-passportInanunsyo ng state-run na Land Bank of the Philippines (Landbank) na magtatayo sila sa Setyembre ng susunod na taon ng isang “OFW Bank.”

Ito’y resulta na rin ng planong acquisition ng Landbank sa Philippine Postal Savings Bank o Postbank.

Sa ilalim ng nasabing plano, magiging subsidiary na ng Landbank ang Postbank ng Philippine Postal Corp., at ang 30-percent nito ay magiging pag-aari ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa Department of Finance, isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino sa ibang bansa ay isang bangko na tututok sa mga pangangailangan ng mga OFWs.

Ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III, makukumpleto ang naturang acquisition pagdating ng third quarter ng 2017, kapag natapos na ang lahat ng mga proseso para dito.

Matatandaang ipinahinto naman ni Dominguez ang merger sana ng Landbank sa state-run lender na Development Bank of the Philippines na unang ipinatupad ng administrasyong Aquino sa bisa ng isang executive order.

Paliwanag ni Dominguez, magkaiba kasi ang mandato ng Landbank at ng DBP kaya hindi dapat pag-isahin ang dalawang lenders.

Ayon naman kay Landbank president Alex Buenaventura, kakailanganin ng walong buwan para mai-convert ang Postbank sa OFW bank.

Bago kasi magsimula ang operasyon ng OFW Bank sa Sept. 1, 2017, kailangan pa nitong maaprubahan ng Montery Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Governance Commission for Government-Owned and -Controlled Corporations, Philippine Competition Commission (PCC) at Securities and Exchange Commission (SEC).

Kaya naman pagdating pa lang ng January 2, sisimulan na ng Landbank, katuwang ng Commission on Audit at BSP, ang proseso nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.