Donald Trump, ‘Person of the Year’ ng AFP

 

Nanguna si US President-elect Donald Trump sa isinagawang 2016 poll ng AFP o Agence France-Presse, para sa most influential person of the year.

Nakiisa sa naturang botohan ang mga AFP journalists sa buong mundo na nagtatrabaho para sa iba’t ibang wika at sections ng ahensya tulad ng text, photo at video.

Bumoto sila mula sa isang selection ng 30 key players na pinili ng mga chief editors, na pawang naging laman ng mga balita sa taong 2016.

Sa resulta ng nasabing poll, naungusan pa ni Trump sina Russian President Vladimir Putin at Turkish President Tayyip Erdogan.

Narito ang top 10 na napili ng nasa 300 journalists na sumali sa botohan:

– Donald Trump
– Vladimir Putin
– Recep Tayyip Erdogan
– Hillary Clinton
– Nigel Farage
– Bashar al-Assad
– Barack Obama
– Pope Francis
– Bob Dylan
– Michelle Obama

 

Read more...