CHR umapela sa pangulo na payagan ang U.N na imbestigahan ang mga kaso ng EJK.
Hinimok ng Commission on Human Rights si Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan na makapagsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings ang U.N Special Rapporteur.
Sa kanilang inilabas na pahayag, sinabi ng CHR na ito na ang magandang pagkakataon para maipakita sa tao na hindi pinapayagan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaso ng EJKs.
Ipinaliwanag rin ng komisyon na dapat patunayan sa publiko ng pamahalaan na buhay na buhay ang rule of law sa ating bansa.
Nauna nang lumabas ang mga ulat na kinansela ni special rapporteur Agnes Callamard ang pagpunta sa bansa dahil binawi ng pamahalaan ang kanilang ibinigay na pahintulot makaraang tumanggi ang U.N official sa mga kundisyon na ibinigay ni Duterte.
Pero sa kanilang hiwalay na pahayag ay sinabi ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na hindi naman nila pipigilan ang gagawing imbestigasyon ni Callamard sa mga kaso ng pagpatay sa mga pinaniniwalaang drug personalities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.