Drug case ng DOJ laban kay De Lima idudulog ng kampo ng senador sa SC
Submitted for resolution na ng DOJ panel of prosecutors ang mga reklamo laban kay Senator Leila De Lima at mga co-respondents nito kaugnay sa Bilibid drug trade.
Ngayong araw, isinagawa ng 5-man panel of prosecutors ang ikalawang preliminary investigation sa reklamo ng apat na complainant kabilang ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Naglabas agad ng ruling ang Panel sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Peter Ong sa lahat ng mosyon ng kampo ni Sen. De Lima at nang ilan pang respondent sa kaso.
Patuloy namang naninindigan ang kampo ni Senator Leila De Lima na walang jurisdiction ang DOJ sa reklamo laban sa senador sapagkat ayon kay Atty. Boni Tacardon ang Ombudsman ang dapat duminig ng reklamo laban sa kanyang kliyente.
Posible din ayon kay Tacardon na iakyat nila sa Korte Suprema ang isyu ng hurisdiksyon ng DOJ sa reklamo sa senador.
Nanindigan naman si Solicitor-General Jose Calida na maari silang maging abogado ng mga tumatayong complainant laban kay De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.