Bureau of Immigration inutusan na isauli ang P20 Million na bahagi ng suhol ni Jack Lam
Ipinag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagturn over ng P20 Million na halaga na bahagi ng bribe money mula kay Casino gambling operator na si Jack Lam.
Nakasaad sa memorandum na dapat iturn-over ni Morente sa kagawaran o di naman kaya’y sa NBI sa loob ng 24-oras ang sinasabing P20 Milyon na bahagi ng P50-M na bribe money na inabot umano ni Wally Sombero sa mga sinibak na immigration officials.
Inatasan din ni Aguirre si Morente na magsumite ng written report patungkol dito hanggang bukas ng alas-singko ng hapon.
Ang kautusan ay ginawa ng kalihim kasunod ng pag-amin ni Morente na may go signal niya ang trabaho ng dati nitong Intelligence Chief na si Charles Calima para magsagawa ng counter intelligence operation laban sa sinibak na Immigration Deputy Commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles na umanoy tumanggap ng suhol mula kay Lam.
Una nang inakusahan nina Argosino at Robles si Calima na tumanggap ng P18-Milyon mula kay Sombero.
Umaabot sa P30 Million ang kanilang isinauli sa DOJ ilang araw makaraang lumabas sa media ang nasabing kontrobersiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.