Mga lalabag sa SRP, maaaring magmulta ng aabot sa P1M

dti (1)Pagmumultahin ng Department of Trade and Industry ang mga mahuhuling nagtitinda ng produktong lagpas sa nakatakdang presyo nito o suggested retail price (SRP).

Maaaring umabot sa P1,000,000 ang multa ng mga lalabag dito.

Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua, maayos pa rin naman ang suplay ng mga produktong pang-Noche Buena kaya walang dahilan para taasan ang presyo ng mga ito.

Gayunman aniya, kung may sapat na dahilan naman sa paglalagay ng presyo ng lagpas pa SRP, hindi na pagmumultahin ang may-ari.

Nagsagawa naman ng inspeksyon noong Martes sa mga grocery kung sumusunod ang mga ito sa SRP. Wala namang nahuli ang DTI na posibleng lumabag dito.

Read more...