Signal #2, posibleng itaas dahil sa bagyong Nina
Posibleng itaas ng hanggang signal number 2 ang magiging pagtaya ng panahon sakaling mag landfall ang tropical depression na si Nina sa bansa.
Sinabi ni PAGASA administrator Dr Vicente Malanao, hindi pa nila nakikitang lalakas ang bagyo na maaaring dumaan sa kalupaan sa Dec 24 o 25.
Sinabi ni Dr. Malanao, posibleng ulanin ang Metro Manila at karatig lalawigan sa mismong araw ng pasko.
Ngunit posibleng anya magbago ang takbo ng sama ng panahon sa mga susunod na oras habang pumapasok ito sa PAR.
Magiging delikado din anya ang karagatan sa araw ng pasko particular na sa hilaga at gitnang Luzon.
Inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas ang bagyo sa Lunes ng gabi o maraming araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.