Administrasyong Duterte, isusulong ang mas maigting na pagpapatupad sa RH program

By Rohanisa Abbas December 21, 2016 - 11:46 AM

rh-bill-0409
Inquirer File Photo

Bagaman ayaw makipag-away sa Simbahan, isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahigpit na pagpapatupad ng family planning.

Aniya, ipatutupad ng kanyang administrasyon ang mga kongkretong hakbang para sa reproductive health (RH) program na mariing tinututulan ng Simbahang Katolika.

Magugunita rin na matagal nang nagtatalo si Duterte at ang mga obispo dahil sa kampanya ng kanyang administrasyon kontra iligal na droga at sa pagsulong na ibalik ang parusang kamatayan.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila naiiyak siya sa tuwing bumibisita siya sa ibang bansa, gaya ng Indonesia at Singapore dahil sa progreso ng mga ito.

Inihalintulad pa niya ang Pilipinas sa eroplanong hindi makalipad.

Aniya, posibleng ang  populasyon ng bansa, na mahigit isang daang milyon na, ang dahilan ng nahuhuling progreso ng bansa.

TAGS: Duterte Admin, Family palnning, Mahigpit na implementasyon, RH, Simbahang Katolika, Duterte Admin, Family palnning, Mahigpit na implementasyon, RH, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.