Mission station ng mga Migranteng Pinoy sa Taiwan, nawasak ng bagyong Soudelor

Mula sa FB post ng Central Taiwan Migrants Concerns

Nasira ang isang Overseas Filipino Workers o OFWs center sa Taiwan dahil sa pananalasa ng Bagyong Soudelor doon.

Ayon sa Central Taiwan Migrants Concerns, kasama sa mga nasalanta sa naturang bansa ang San Pedro Calungsod Migrants Mission Station.

Mula nang masira ito noong August 07, wala itong suplay ng kuryente at tubig, at paputol-putol ang internet connection.

Ang San Pedro Calungsod Migrants Mission Station ay isang simpleng “pilgrimage place” at tahanan para sa mga distressed migrant workers.

Sinabi ng Central Taiwan Migrants Concerns na 50-years old na ang chapel at maka-ilang ulit nang inabandona.

Ngunit sa canonization ni Pedro Calungsod noong October 2012, ipinangalan ang chapel sa nabanggit na unang santong Pinoy at ginamit na ng mga distressed OFWs.

Subalit dahil sa pagkasira nito, mula sa pagiging “house of prayer” ay maituturing na raw itong “house of ruins” ngayon./ Isa Avendaño-Umali

Read more...