100 katao, isinugod sa ospital dahil sa hinihinalang food poisoning sa Cebu

By Jimmy Tamayo December 21, 2016 - 11:41 AM

cebu food poisoning credit Nagiel Banacia ng Cebu City Public Information Office Manager 2
Photo by:Nagiel Banacia, Cebu City PIO Manager

Halos isangdaang katao ang isinugod sa ospital dahil sa hinihinalang food poisoning mula sa isang barangay sa Cebu.

Sa report ng Disaster Management office, dalawang ambulansya at labin-dalawang paramedics ang ipinadala nila sa sitio Tawagan, Brgy. Sirao madaling araw ng martes, December 20 para magbahay-bahay at tulungan ang mga biktima.

cebu food poisoning credit Nagiel Banacia ng Cebu City Public Information Office Manager
Photo by:Nagiel Banacia, Cebu City PIO Manager

Ayon sa ulat,  maaaring ang pagkain ng panis na spaghetti na ipinamigay sa mga residente ang sanhi ng pagkalason.

Bagamat nakararanas na ng labis na dehydration ang ilan sa mga biktima, mas ninais umano ng mga ito na manatili sa bahay sa halip na magpahatid sa ospital.

Ayon kay Nagiel Banacia ng Cebu City Public Information Office Manager, kinailangang magtaas sa Code Red ang ospital matapos dalhin doon ang nasa 90 pasyente.

TAGS: 100 katao, Cebu City, food poisoning, Nagiel Banacia, panis na spaghetti, 100 katao, Cebu City, food poisoning, Nagiel Banacia, panis na spaghetti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.